ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL
Koro: Ang Panginoon ang aking pastol,
Pinagiginhawa akong lubos.
Handog N’yang himlaya’y sariwang pastulan,
Ang pahingahan ko’y payapang batisan.
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay. ( koro )
Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala akong sindak, siya’y kasama ko.
Ang hawak N’yang tungkod ang siyang gabay ko,
Tangan N’yang pamalo, sigla’t tanggulan ko. ( koro )
No comments:
Post a Comment